Thursday, January 27, 2011

whiner

i wanna give up. but  i can't because im already in the middle of this situation. like i wan't to whine and leave.
it's been three days but it seems longer than that. i lack sleep and time and patience. mentally fatigued.
i should've had made better decisions. well wish me luck! and may God help me.

ang alamat ng silangang kakahuyan [bow!]
paano ba matutunton ang kakahuyang sumibol sa silangan?
maari kang sumakay ng Avis or Hertz
magastos
o kaya nama'y bumaba ng xssing ibabaw
pumila sa jeep papuntang Rizal
at humantong sa nakakatakot na lugar
na kung tawagi'y IPI at saka mag-Cubao
o mag tren papuntang Araneta
sipatin ang likurang bahagi
ng Ali mall at abangan ang dyipni
papuntang pasig rosario.
puwede mo ring gawin ang bahaging Ortigas para rito.
nakakapagod.
nakakastress.
lalo pa sa taal na taga Makating tulad ko.
marahil siguro nararapat lamang
humanap na ng bagong masisilungan
nang sa gayun hindi na umiyak
at magbuwis buhay sa pagtawid
sa malawak na lansangan.

Saturday, January 15, 2011

walang pakialam si arvie/walang pakiramdam si anne

walang pakialam si arvie

late na naman si arvie. malabo ang mga mata niya. hindi niya agad nakita si anne na matagal nang nakaupo sa bench sa plaza.

trenta y minutos ang hinintay. lagot na naman siya sa mala tigre niyang girlfriend.

paglapit niya dito, sa halip na magmaktol ang babae ay wala naman itong reaksiyon. marahil siguro maraming tao masyado kaya  hindi ito makapag inarte. uwian na ng mga estudyante.

marami nang kasalanan si arvie. ilang araw na siyang hindi nagpapakita kay anne. paano naman kase nakakasawa na ang ugali nito. masyadong selosa. kahit mga kaklase at thesis mates niya pinagseselosan. isama pa ang mga kabarkada niyang babae na palagi niyang kasama sa inuman.

kagabi hindi niya rin sinagot ang text ni anne. nagpapasundo kase ito sa kanya sa alfonso upang makauwe galing sa isang film making project sa school. ngunit dahil lasing at walang pang gasolina nagkunwari na lang siyang hindi niya nasagot agad ang mga text nito.

two years na rin sila ni anne. nakilala niya ito dahil sa isang kaibigan. dahil sa mga buyo naligawan niya tuloy ito nang hindi oras. gayung sa simula naman medyo nagustuhan niya ang dalaga. cute kase ito at matalino. first girlfriend din niya kaya hindi niya na rin pinalagpas ang pagkakataon.

sweet din si anne. mahilig sa surprises. isip bata nga lang na tipong maliit na pagkakamali lang, pinalalaki agad niya. mahilig magmura. mahilig magpahiya. walang pakialam kung eskandalo na ang dating ng away nilang magkasintahan.

pero gayunpaman pinagtiisan niya ito. nahihiya rin kase siya sa pamilya nito dahil mabuti ang mga ito sa kanya.

hindi pa rin nagsasalita si anne. kaya minabuti ni arvie na yayain na lang ito sa sizzling point restaurant.

naglakad sila patungong restaurant. tahimik pa rin ang babae.

naiinis na si arvie.

pagkatapos niyang umorder tinanong niya si anne ano ba ang problema. wala pa rin itong imik. kinakabahan si arvie dahil baka mag freak out ito bigla. sa gitna ng maraming tao at estudyante sa restaurant.

gusto na magtapat ni arvie. ngunit mas pipiliin niyang hindi na lang magpakita sa dalaga kahit kailan. gusto niya nang sabihin kay anne na pagod na pagod na siya sa relasyong ito. isa pa may natitipuhan na rin siyang ibang babae na kapitbahay nila.

lingid sa kaalaman ni anne ito na ang huling pagkikita nila.

________________________________________________________________________


walang pakiramdam si anne

trenta y minutos na ang nakakalipas wala pa rin si arvie. usapan nila magkita sa plaza ngayon. nais niya lang makita ito upang magtanong.  hindi kase nito sinagot ang mga text niya kagabi.

maya maya lang natanaw niya na si arvie, bumaba ng jeepney. halatang hinahanap siya sa mga taong nakaupo sa benches.

muli, nakasimangot ang lalaki. hindi rin maipaliwanag ni anne kung bakit sa tuwing magkikita sila ni arvie parang napakalaking task nito para sa binata.

alam niya rin na ninais ni arvie na sa plaza makipagkita nang ganun hindi siya makapagsimula ng argumento.

hindi man lang siya sinundo ni arvie sa alfonso. hindi tuloy siya nakauwe ng bahay. alam niya pagod ito marahil sa thesis na ginagawa pa sa site sa rosario. kung magsinungalaing man si arvie ngayon, konsyensya na niya yun.

matagal na sila ni arvie. nagkakilala sila sa isang tugtugan. alam ni anne gusto lang nitong magkagirlfriend. mabait naman ito kaya sinagot niya. isa pa naiinggit siya sa lahat halos ng blockmates niya na may boyfriend na. habang tumatagal nagustuhan niya rin si arvie.

alam ni anne madami na siyang kasalanan. kailangan niya sigurong magtake ng anger management upang sa gayun hindi niya masaktan si arvie. ngunit sa tuwing may ginagawa itong kasalanan hindi siya makapagtimpi ng galit.

may ugali din kase si arvie, masyadong mabarkada. mga babae pa ang kainuman kaya lalo siyang nagseselos. palague ding late at walang oras sa kanya.

mukhang mainit ang ulo ni arvie kaya agad na sumunod si anne sa gusto nitong magpunta na lang sa sizzling point.

pagdating doon, napansin ni anne na madami siyang kakilalang kumakain. yumuko na lang siya at tumahimik habang umoorder si arvie. maya maya lang tinanong siya nito ano ba ang problema.

hindi makapagsalita si anne. naguguluhan siya.

marahil mas mabuti pang tumahimik na lang nang sa ganun hindi na muling mainis sa kanya si arvie. pipilitin niyang baguhin ang ugali niya.

tinapos na nila ang  pagkain. wala naman tinatanong si anne ngunit nagpaliwanag si arvie.

hindi niya raw nasagot ang text kase naiwan niya ng phone sa living room at nakatulog na siya agad dahil sa pagod sa thesis.

tinanggap naman ito ni anne. dumaan ang ilang usapan. nakalma na ang kalooban ni anne. nagkuwentuhan sila tungkol sa school at sa mga bagay bagay.

maya maya alas sais na. kailangan na umuwe ni anne. inihatid siya ni arvie sa sakayan bitbit ang ngiti at pag asa na maayos din ang lahat sa kanila.

 

Friday, January 14, 2011

#1 CRUSH

Summer of 2003.
 
she waited for him under the tree. students passed by as the warm air touches her skin. she knows he is coming. his schedule tells so.
 
suddenly a group of boys comes in. one has a skateboard placed underneath his backpack, one smoking marlboro lights and the last one busy on his phone.
 
she noticed he is not with the boys. and this made her frown. the boys invited her for snacks at the cafeteria which is a 10-minute walk. she tried to hesitate but the boys did not take no for an answer. plus she's already starving.
 
she really wanted to see her man. she even went to the library this morning to get a glimpse of him but he ain't there. now, the classes are closing in and she hasn't found him yet. the day will not be complete without seeing even his shadow.
 
they made their way to the cafeteria. and to her amazement he sits there alone on the corner table, sipping Sprite.
 
it was like a fairy tale with diamonds and crystals on the background. he brushed his hair with his hand and smiled. everything was in slow motion. it was still the same him, with long locks, thin beard, almond eyes and soft little lips. his usual clothing in skinny black pants, vintage tee, black and white chucks, ethnic bracelets, pair of black-plate earrings and red jansport backpack.
 
she smiled back. sat in the stool in front of him. the boys started the usual conversation but her tounge just gone mute. excited yet nervous about this man in front of him.
 
he talked. laughed and contributed some stories. he even bought a pack of chips for the group.
 
she started talking about music and the usual class stories. it felt awkward being the only girl in the group but she trusts them and considers them as friends. she knew him for a few years but she still feels uneasy being around him.
 
it was already 5PM and they need to go home. to save up, they just walked to reach the main town. still, the boys were joking around.
 
the boys took her to the terminal. but before she get a ride, he pat her shoulders and said,
 
"i was looking for you the whole day, i reserved two tickets for you... for our Chaos concert... hope you could catch us..."
 
he gave her the tickets and smiled. she nodded and the only words that came out of her mouth was thank you.
 
it almost melted  her. words cannot explain.
 
the boys said goodbye.
 
she headed for a ride home. while the radio played an old Garbage song along the way.
 
she likes him.
 
it was one of the happiest day of her life.