mamimiss mo yung baha. yung trafiic. yung ingay at init. yung computer shop ni bigote. yung banana q ng olds. yung burger machine. yung walter mart at red ribbon. yung isawan. yung balutan. yung laundry shop ni inday na hindi marunong magcompute. yung yosi sa gate. yung awayan at LQ sa gate. yung pagtambay sa powerbooks. yung ambiance ng greenbelt. yung mmc. si bob marley. si mechanical animal. yung mga pusang nakatali sa waiting shed. yung makati square na pugad ng pirated cds. yung mcdo kung saan ka nakikipagdate at bumibili ng ten-peso sundae cone. yung nakakasalubong mong call center agents sa export bank. yung chow chow. yung beer haus kung saan may talent fee yung gitarista. yung magkakadikit na mang inasal. yung mainit na kuwarto. yung mga luhang natapon. yung mga nakasagutan at natarayan. yung mga basura at magasin. yung turo turong may ipis. yung tuyong lawlaw ni lola.yung taho. yung mga tambay na hiphop. yung gardo verzosa sa poso. yung nakakairitang pasyon kapag holy week. yung maingay na brass band kapag fiesta. yung mga artistang nangangandidato. yung ukay ukay. yung kalansing ng susi. yung amoy ng detergent. yung binalot at tapsi. yung mga yellow at purple buses. yung palengke at limang pisong mango juice. yung bangkuan. yung ikaw habang limang taon kang nanirahan...
Wednesday, May 4, 2011
Monday, May 2, 2011
paranoya
itinapon ang unang tula na tungkol sayo.
pinakiramdaman ko muna bago ako nahulog.
kung tutuusin, unang pagkikita pa lang para bang kilala na,
sana man lang ikaw ay nauna.
nalulungkot ako ngayon.
sapagkat hindi na kita makakatagpo.
ng madalas.
baka kase ikaw ay makalimot.
at ipagsawalang bahala lahat ng pagsasama
paano kung makahanap ka ng iba?
paranoya or sadayang bigo lang
dahil sa mga pangyayaring dumurog na muli
sa aking puso.
ngunit gayunpaman ako ay nagpapasalamat
sa pagbabahagi mo ng iyong buhay
sa buhay kong masalimuot
Subscribe to:
Posts (Atom)