Wednesday, July 20, 2011

isang malaking HMP!

hindi naman ako galit.
minsan kase parang isa ka nang perpektong istranghero
may oras na hindi nagpaparamdam
hindi man lang maisip na may nag aalala sa kanya
kapag napa-ulot sa pagpapakasaya
(ikaw ay) nawawala sa sarili
 
siguro nagseselos din
hindi ko din naman kase alam ano mga pinagkakabalahan mo
kung may kasamang iba, kahuntahan at kung ano anong kalokohan
dahil palaging wala din ako
at mukhang nagiging isang malaking responsibilidad pa
yung pagtungo mo rito
upang magkita lang.
 
siguro hindi na kita kilala
minsan hindi kita maramdaman
may pagdaan na para bang andito ka lang
upang may makaulayaw
 
nararamdaman ko rin na parang wala ka namang pakialam (sa akin)
kung nasasaktan ako, o kung humihinga pa
madalas sa hindi palagi ka na lang nagdadrama (sa buhay)
tungkol sa mga bagay na ikaw rin naman ang may kasagutan
 
hindi ako galit pero may isang malaking HMP!
sabihin kung ano gusto mong mangyari
nang hindi ako nalilito
at hindi ako parang nakikipagkita, nakikipag usap
sa isang istrangherong nagmula sa apopong.

Monday, July 4, 2011

birthday ni mushang itim


isang espesyal na araw para kay Mushang Itim. ika bente y sais kase na kaarawan niya.

pagmulat niya ng mata ay isang sorpresa ang bumulaga sa kanya. ang kanyang mga kuting na supling ay nakaantabay sa tabi ng kama niya. hawak ang party poppers at isang birthday cupcake, sumigaw ang mga ito ng 'happy birthday!' nang sabay sabay.

nandoon din ang kanyang maybahay na si Mushang Puti. sinabing humiling muna siya bago hipan ang kandila sa birthday cupcake.
pumikit siya at humiling.

pagkatapos, agad siyang hinagkan ni Mushang Puti sa labi sabay abot ng isang kahon na naglalaman ng regalo.


"buksan mo," malambing na sabi ni Mushang Puti.
agad naman niyang binuksan ang regalo, at nagulat sa nakita. isang personalized bowtie ang regalo.


ngumiti si Mushang Itim at niyakap ang buong pamilya ng buong higpit.


ngayong araw na ito, nangako siyang ipapasyal ang mga supling sa theme park. kaya dali dali silang nagtungo sa kusina, kumain ng breakfast at nagbihis. isinuot ni Mushang Itim ang kanyang bagong bowtie. naka bowtie din ang anak nilang lalaki, si Ras Haile, na kahawig na kahawig niya noong kabataan.


ang kanilang dalawang anak naman na sina Haruko at Yumi ay naka-dress tulad ng nanay nila na mahilig pumustura.


maingat siyang nagdrive patungo sa theme park. pagkarating sa lugar, sumakay sila sa flying fiesta, carousel at space shuttle. takot na takot naman ang mga kuting sa haunted house.


marami silang napanalunan mula sa mga laro sa labas. may stuffed toys at candy bags. pagkatapos, kumain sila ng malinamnam na mango salad at sundae.


pagod na pagod ang mga kuting. ngunit bago nila nilisan ng lugar ay nagpakuha muna sila ng litrato. hindi matatawaran ang mga ngiti sa labi ng buong pamilya.


sa biyahe pauwe, nakatulog na ang mga kuting sa backseat ng kotse.


habang si Mushang Puti ay nakatulog din habang nasa pasenger seat. pinisil ni Mushang Itim ang palad nito at saka ngumiti habang naka stop ang traffic light. isa ito sa pinakamaligayang kaaarawan ng buhay niya at wala na yata siyang mahihiling pa...