Sunday, November 10, 2013

wrath of yolanda

Ubos na ang laman ng bank account
Ang paborito kong cookies ubos na rin
Masakit na ang kamay sa paghawak sa touch pad
 [At ang kantang ‘Love is Easy’ ay pawang kasinungalingan
Lang, na dalawang araw ko nang LSS]
Dahil ang palagi kong tanong
Ay tanong pa rin hanggang ngayon.
Magaling pa sa magaling
Naging matalino ka na rin
Pero matalino man ang matsing
Mas may diskarte ang kuting
Kaya naman ang open question,
Ay somewhat nagkaroon ng meaning.
Parang sampal na hindi inaasahan
Napagtantong bakit palaging ako?
Wala naman akong ginawang masama sa iyo…


Sunday, August 18, 2013

kape

kape kape kape
madilaw na ang ipin sa kape
umaga tanghali gabe
hot, cold, iced or frappe
o kahit pa kapeng tsokolate
pati bath scrub ay kape
paboritong kulay ay kape
gusto ko lang magising
gustoko lang magising.

Tuesday, June 4, 2013

jpoem

naglalakad sa ulap, naglalakad sa ulap.
ngiti ay hanggang tenga
kung suntok man sa buwan na maituturing
bakit naman sa sa tuwing mata's ipinipikit
hinuha mo ang siyang nakikita
nakangiti rin at handa na...
ang hirap umasa
ang hirap mangarap
gayung ilang araw na lang ang nalalabi
ganitong kapiling ka
malay mo naman?
kung ilang beses na akong nagkamali.
baka sa ngayon
ikaw na.

nahuhulog. nahuhulog.
ang puso kong walang kadala dala.
na masaktang muli?
o sadyang ipinanganak ako para masaktan?
sa palagay ko naman.
atsaka hindi naman sinasadya.
kwasa ba naman ih gay-un?
ikaw naman kase...
bakit naman kase nakilala mo pa ako.
seryoso.
isang wallflower na bumubungisngis lang
sa isang tabi.
ngayon ay isang mansanas sa iyong paningin
na binibigyan ng pansin
mga tanong na walang malisya
mukhang may malisya?
feeling ko lang naman
ayaw tuloy kitang iwanan.
o ganyan ka lang talaga?
pero bakit?
huwag mo akong puyatin
sa magdamagang wishful thinking...

Saturday, April 6, 2013

tanga lang


hindi na mawari ang mararamdaman
tuod na bang maituturing?
o tanga lang sa iyong paningin.
na mailang ulit nang sinaktan
pinagtabuyan, tinapak-tapakan, hinamak.
pagkatapos muling bumabalik
sapagkat hindi takot magtiwala.
at hindi nawalan ng pag-asa
sa paniniwalang 'mabuti na lang at hindi tayo sumuko'
ngunit paano kung mayroon nang limitasyon?
at hangganan ang lahat?
magagawa pa rin bang ipaglaban?
gayung ibinigay mo na ang nararapat?
pagod na...
siguro hindi talaga maaaring ipagpilitan
ang isang bagay na hindi naman
talaga nakatadhana para sa isa't isa.

-tanga lang