Wednesday, April 29, 2026

kimika

Hindi kakalimutan,

Aalalahanin ka araw araw.

Ang iyong pangalan

Na isa sa isang milyon

Lamang sa mundong ibabaw.


Sa paglisan mo nawa'y 

Maalala mo pa rin ako.

Mapatawad.

Mapangiti ka.

Kahit sandali

Naramdaman mo rin naman.


Yung kimika.

Yung tensyon

Yung musika

Yung reaksyon.

Yung lambing.

Yung init.

Yung tuwa.

Yung galit.

Yung luha. 


Lahat ng bersyon ng iyong pagkatao.

Naipakita mo nang walang halong kasinungalingan.

Lahat ng iyong kahinaan ay hindi mo ikinahiyang ipangalantaran.

Sobrang gusto kita.

Hahantong na yata sa pagmamahal.

Ngunit ngayon na lilisan ka na.

Ang masasabi ko lang ay mabigat na pasasalamat. 


Mag ingat ka palagi. 

Napakaganda mo sa aking paningin. 









No comments:

Post a Comment