nakikilala ka na ba nang lubusan?
mukhang natatakot ako sa aking landas na tinatahak.
kahit yung puso ko ay puno ng galak.
my heart is full ang laging hashtag.
halos isang oras na naman tayo nagpapalitan ng mensahe.
forty minutes naman nung nakaraan kapiling ang boses mo.
medyo natatakot ako?
iba ang aura mo.
no room for mistakes ang atake.
mukhang perfectionist ka masyado.
naglalakad sa hangin tuwing maririnig ang iyong mga papuri.
ngiti ay hanggang tenga sa positive compliments na ibinahagi.
i shall return the favor.
the feeling is mutual.
andami ko ring papuri at pasasalamat sa iyo.
andoon ka na rin sa panaginip.
nagbabahagi ka na ng mga ganap sa buhay mo.
you asked 'ikaw kumusta ka?'
I said, 'why? masaya.'
tapos sagot mo lang 'just checking.'
hindi ka makasagot when I replied, 'always checking?'
'what's up, ba't masaya? goods yan haha.'
hindi ko na rin napigilan sabihin
damn, you are so good looking.
like fine wine? dahil totoo.
you just do not see it.
but you are so beautiful.
kaya I am thankful.
that you trust me.
you admire me.
you are always here for me.
at kahit papaano you let me in.
into your weird, beautiful world.
No comments:
Post a Comment