Thursday, April 9, 2026

red alert

nasaan na ang dating maamong pusa na nag memeow meow

sa tabi ko habang binibigyan ko ng fancy feast?

bigla na lang naging isang matapang na leon

may simbolo  pa sa noo na mark of the beast.


grabe mga plot twist

mga over the edge na scenario

hindi ko aakalain hahantong sa ganito

na ang maamong pusa pa pala

ang kakalmot sa iyo? 


mataas pa rin

sobrang taas

hindi ko maarok.

hindi ko maipaliwanag

hindi ko maintindihan

gusto ko intindihin

ang gulo gulo mo

wala na akong paglagyan

nakakalunod mong ego. 


luh? parang ayoko na?

luh? pero gusto ko pa?

luh? ni hindi ka marunong humingi ng pasensya?

sa lahat ng ginawa mong pambabara?


kaya bukas hindi na kita kakausapin.

wala nang paghihintay na magaganap.

wala na ang mga pull.

wala na ang mga sweet gestures.

sisikapin kong maging neutral

deadma na sa mixed signals. 


back to reality, no expectations

matapos lahat ng revelations

na ang maamong pusa noon

na naging isang mabangis na leon

ay may hawak na isang matingkad na red flag. 





 

No comments:

Post a Comment