ipinasilip mo na rin sa wakas ang iyong mundo.
at mukhang maraming pagkakatulad tayo.
kung noon gusto lang kita makilala nang lubusan,
ngayon ay unti unti ko na nararamdaman,
na nais mo din alamin, silipin, tahakin,
ipagpatuloy ang istorya natin.
ngunit sa pagkakataong hindi tama,
alam ko na may pagpipigil.
may mga emosyon na dapat itigil.
dahil maraming hadlang
sa sana'y pag-iisa natin.
gayunpaman masaya ako para sa'yo.
walang halong biro, walang halong eme.
gusto ko na maranasan mo ang mahalin at alagaan.
kahit maiwan ako ditong nasasaktan.
napakaganda mo pa rin sa aking paningin.
napakahusay, intelektuwal, nakakatawa,
sigurado sa sarili at mapagtiwala.
nakikilala kita sa lahat ng anggulo.
saan mo ba nabili 'yang gayuma mo?
whilst me singing, "He giving me that good sh!t, that make me not quit, that good sh!t."