Tuesday, March 1, 2011

'minsan kailangan mong masaktan upang harapin ang katotohanan'

maaliwalas ang panahon noong gabing iyon. suot suot ni candace ang gray dress niya patungong opisina. naghihintay na si howie sa labas ng bahay. alam niyang excited ang lalaki dahil ilang araw na silang hindi nagkikita.

sumakay sila sa aircon bus at nagkuwentuhan ukol sa mga nangyari nun nakaraang weekend. umuuwe kase si candace sa probinsya kapag sabado samantalang naiiwan naman si howie sa apartment nito sa mandaluyong.

napansin ni candace na masaya si howie, marahil siguro ngayon na naimprenta ang pinakahihintay nitong CD ng banda niya. tatlong CD ito na compilation ng lahat ng music ng binata at ng kabanda nito.

maligayang binuksan ng lalaki ang CD sa harap ni candace. sinambit pang masaya siya dahil sa harap ng nobya niya first time nabuksan ang CD. ipinangakong bibigyan din niya ng kopya ang dalaga.

ngunit ngiti lang ang isinagot ni candace. oo, maligaya siya sa achievement na nakamit ni howie ngunit may bumabagabag sa isip niya.

noong nakaraang weekend kase may hindi nagpakilalang  nagpadala sa email niya ng mga lihim na itinatago ng kasintahan.

mga lihim na akala siguro ni howie ay mababaon lang sa limot ngunit parang isang multong babagabag sa kalooban ni candace.

sumambulat sa email ang mga larawan ni howie habang maligayang kaulayaw ang babae nito.

babae sa nakaraan. na akala niya ay wala nang koneksyon pa kay howie ngunit sa mga larawang iyon ay kitang kita gaano kaligaya at kumikislap ang mga mata ng binata habang nasa kandungan ng kalaguyo.

ilang taon na rin kase ang nagdaan nang madiskubre niya na may namumuong affair sa pagitan ng dalawa. masakit ngunit pinatawad at tinanggap niya si howie. ngunit hindi niya akalain na sa pangalawang pagkakataon ay uulitin pa ulit ng lalaki ang pagkakamali. at sa pangyayaring iyon hindi na yata kayang tiisin pa ni candace.

doon niya rin nalaman kung paanong sa loob ng tatlong taon ay pinaglaruan lang siya ng binata. tuwing wala si candace ay saka naman gumagawa ng milagro si howie.

masakit. mga katotohanan. kasinungalingan. mga awiting akala ni candace ay para sa kanya ngunit iyon naman pala ay ukol sa iba. mga matatamis na salita. mga pambobola. mga panggagamit. mga pagkukunwari. ang akala niyang pagmamahal ni howie sa kanya ay sa ibang babae naman pala talaga nito nararamdaman.

ayaw niya man aminin pero ang tanga tanga niya.

kaya mula sa gabing iyon may ibinigay siyang 'sorpresa'.

pagtapak sa lobby ng opisina. huling halik ni hudas ang iginawad ni howie sa pisngi ni candace. saka iniabot ni candace ang isang scrapbook.

scrapbook na naglalaman ng lahat ng malalaswang larawan ni howie at kalaguyo. kalakip din ang huling liham niya para sa binata.

may pag aalala sa mukha ni howie. may pag aalinlangan. ngunit ngumiti na lang si candace nang hindi maghinala si howie. isinilid na lang ng binata ang 'sorpresa' sa bag nang hindi binubuksan.

sa huling pagkakataon, nagpaalam na siya kay howie. malungkot ngunit pagod na siya kakaunawa. mabuti na na ngayon pa lang napatunayan niyang hindi nagbabago ang lalaki. at minsan bigyan din naman niya ng galang ang sarili niya. lumabas din ang tunay na kulay ni howie. buti na lang hindi niya inialay na makasama ito habangbuhay. dahil si howie ay isang impostor.

nawa'y maramdaman din ni howie gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon.

lies and rollercoaster

like a rollercoaster ride, i gone tired
dizzy and vomitting because of unending
curves , twists and circles
it is hard to tell what is left and what is right
when all i see are lies
everywhere
since this rollercoaster started running
circling in my life
for past three years i do not know what to believe
am i stupid and numb
or am i eaten whole by my feelings
love and trust and hopes
that someday will be a better day
but it all turned out it is an evil ride
when all through this  trip
i was holding a demon's hand
and i wasn't able to understand
that this rollercoaster will crash in the end
and i am glad i stepped out
and realized that
before it stole my life.