Tuesday, June 4, 2013

jpoem

naglalakad sa ulap, naglalakad sa ulap.
ngiti ay hanggang tenga
kung suntok man sa buwan na maituturing
bakit naman sa sa tuwing mata's ipinipikit
hinuha mo ang siyang nakikita
nakangiti rin at handa na...
ang hirap umasa
ang hirap mangarap
gayung ilang araw na lang ang nalalabi
ganitong kapiling ka
malay mo naman?
kung ilang beses na akong nagkamali.
baka sa ngayon
ikaw na.

nahuhulog. nahuhulog.
ang puso kong walang kadala dala.
na masaktang muli?
o sadyang ipinanganak ako para masaktan?
sa palagay ko naman.
atsaka hindi naman sinasadya.
kwasa ba naman ih gay-un?
ikaw naman kase...
bakit naman kase nakilala mo pa ako.
seryoso.
isang wallflower na bumubungisngis lang
sa isang tabi.
ngayon ay isang mansanas sa iyong paningin
na binibigyan ng pansin
mga tanong na walang malisya
mukhang may malisya?
feeling ko lang naman
ayaw tuloy kitang iwanan.
o ganyan ka lang talaga?
pero bakit?
huwag mo akong puyatin
sa magdamagang wishful thinking...