Wednesday, May 4, 2011

2F 7024 Wilson

mamimiss mo yung baha. yung trafiic. yung ingay at init. yung computer shop ni bigote. yung banana q ng olds. yung burger machine. yung walter mart at red ribbon. yung isawan. yung balutan. yung laundry shop ni inday na hindi marunong magcompute. yung yosi sa gate. yung awayan at LQ sa gate. yung pagtambay sa powerbooks. yung ambiance ng greenbelt. yung mmc. si bob marley. si mechanical animal. yung mga pusang nakatali sa waiting shed. yung makati square na pugad ng pirated cds. yung mcdo kung saan ka nakikipagdate at bumibili ng ten-peso sundae cone. yung nakakasalubong mong call center agents sa export bank. yung chow chow. yung beer haus kung saan may talent fee yung gitarista. yung magkakadikit na mang inasal. yung mainit na kuwarto. yung mga luhang natapon. yung mga nakasagutan at natarayan. yung mga basura at magasin. yung turo turong may ipis. yung tuyong lawlaw ni lola.yung taho. yung mga tambay na hiphop. yung gardo verzosa sa poso. yung nakakairitang pasyon kapag holy week. yung maingay na brass band kapag fiesta. yung mga artistang nangangandidato. yung ukay ukay. yung kalansing ng susi. yung amoy ng detergent. yung binalot at tapsi. yung mga yellow at purple buses. yung palengke at limang pisong mango juice. yung bangkuan. yung ikaw habang limang taon kang nanirahan...

1 comment:

  1. Maraming na-buong pangarap dahil sa makati

    ReplyDelete