Thursday, January 5, 2012

kansai poems

kansai 1

bakit na lang palagueng
dugyot kapag naabutan
yung worst outfit of the century
ang siyang natitiyempuhan
kung hindi mo lang alam
kani-kanina lang
ikaw ay kaulayaw
muli sa isang mainit
kung saan hindi ka snob
sa aking panaginip...

kansai 2

pagkalipas ng isang taon ay muli mong sinambit ang pangalan ko.
kakatwa pero iyon na yata ang pinakamatagal na oras
na para bang sadyang tumigil nang sa ganun maramdaman muli
natin ang isa't isa.
walang sumunod na katagang lumabas sa bibig
nais lang pakiramdaman ang bawat pintig ng pulso
o walang nagtangkang mauna?
dahil ba sa hiya at panghihinayang?
o dahil ba pareho na ngayong nakatali
at matiwasay na nakangiti sa bawat pag ibig natin.
huwag mag alala
maligaya lamang tayong muling binalikan
ang alaala ng ating nakaraan.

No comments:

Post a Comment