hindi naman sinasadya.
sadya lang mapaglaro ang tadhana.
nung una kang makita kibit balikat lang.
may kahalong excitement pero ganun na nga lang.
wala naman pakialam, dahil nakatuon ako sa lahat ng sakit.
pero bakit ganun?
nagbago na lang bigla.
hanggang sa nais ko na lang titigan ka.
at makahalubilo sa mga panaginip?
teka hindi ka pa nagpapakita sa panaginip ko.
ngunit tuwing gising
ikaw palagi nasa isip.
alam kong mali.
at wala din akong alam tungkol sa iyo.
misteryoso
sobrang pleasant.
parang hindi makakatotohanan?
or ngayon lang ako nakaranas?
na inaalagaan? (inaalala lang tanga!)
gusto ko lang makita ka.
makita mga ngiti mo.
marinig ang boses mo.
mag hintay sa mensahe mo.
tanungin kumusta ang araw mo?
pero siyempre hindi ko ipapahalata.
ngunit ang mga kabog ng dibdib ay hindi maikakaila.
palaging tulala
sa halip na unahin ang mga responsibilidad.
sana makita ka muli.
makausap muli.
matanong ka muli.
at makilala ka pa ng mas malalim.
No comments:
Post a Comment