Wednesday, March 28, 2012

lashing na kuting

isang lashing na kuting
ang kumatok sa pinto
sumisigaw ng 'meow meow meow'
isang lashing na kuting
pinagbuksan ng pinto
kinakausap, hindi naman
nakikinig
gusto niya lang mag 'meow meow meow'
kaya tumigil na lang sa pagsasalita
wala naman ding patutunguhan
dahil lashing ang kuting
at hindi naman niya maiintindihan
lahat ng sinasabi mo, pati pag iyak mo.
kaya naman minarapat na
sipain na lamang
ang lashing na kuting
pabalik sa kanyang pinanggalingan.

No comments:

Post a Comment